Isang Tinarantang Umaga

Napuyat ako kagabi.

Antagal kasing natapos nung pageant.

Ang init pa ng venue kaya hinika tuloy ako.

Pagkauwi tinapos ko pa ang blog post ko.

Di ko na nga maalala kung papano ako nakalipat sa kama.

Eh di pa ako nagiimpake para sa byahe ko.

Bahala na si Batman basta natulog na lang ako.

Mga alas-singko ng umaga ako nagising.

Di ko napansin kung nasan si Chad.

Malamang nagsisiksik sa mga unan ko.

Si Chad nga pala ang mini-pinscher ko.

Parang anak ko na si Chad.

Mana sa akin.

Maarte.  Pasikat.  Igat.

Not necessarily in that order.

Nagimpake na ako.

Naalala ko na dapat kong kausapin si Mara.

Final instructions para sa byahe nila sa Butuan.

Mauuna kasi sila sa Santo Nino Devotees’ Convention dun.

Nung pababa na ako nagkukumadkad na rin si Chad.

Ayaw paiwan ng hitad.

Pagkatapos naming magusap umakyat na uli ako.

Kasunod siempre si Chad.

Multi-tasking nga ako eh.

Impake.  Internet surfing.  Kain ng almusal.

Sarap ng almusal ko.

Talong na pinirito sa binating itlog.

Danggit din na super lutong.

Fried rice na kalinamnam.

Si Chad dedma lang – tinulugan lang ako uli.

Natapos ko na din ang impake.

Impake para sa byaheng Manila at byaheng Butuan.

Susunod kasi ako dun sa Sabado.

Naenganyo akong sumulat ng bagong blog post.

Breast Cancer Awareness ang tema.

Patapos na ako nang marinig ko ang iyak ni Chad.

Iyak na parang naipit.

Nakita ko syang nakasiksik sa kumot ko.

Anlakas ng iyak nya.

Tinawag ko ang pangalan nya.

Nilapitan ko tsaka hinawakan.

Laylay ang ulo ni Chad.

Kinabahan na ako.

“Chad!  Chad!  Huwag naman ganyan!  CHAD!!!”

Pinatayo ko sya pero bumagsak uli sa kama.

Parang bumalik sa alaala ko ang lahat.

Nung mamatay si Daddy.

Nung mamatay si Mommy.

Anlakas ng sigaw ko.

Lupaypay talaga si Chad.

Parang walang buhay.

Parang mamamatay.

“CHAD, HUWAG GANITO, CHAD! HUWAG MO AKONG IWAN!”

Nanginginig na ako!

Anlakas na ng sigaw ko!

Umakyat na si Kuya Avel.

Itakbo ko na daw sa Vet.

Dali-dali akong nagbihis.

Karga-karga ko pa rin si Chad.

Halos liparin namin ang clinic.

Nakatingin lang si Chad sakin.

Pati si Peter kabado na din.

Maputla ang dila ni Chad.

Parang naghihingalo.

Binugahan ko ng hangin ang bunganga nya.

Dinilaan nya ang bibig ko.

“Chad, huwag mo naman akong iwan…”

Umiiyak na ako.

Close pa ang clinic.

Medyo nakakatayo na si Chad.

Binababa ko sya sa damuhan.

Dumumi sya at umihi.

I decided to go back home.

Parang nakakarecover dahan-dahan si Chad.

Nakahinga ako ng maluwag.

Nalaman ko na binabangungot din pala ang aso.

Mali ang ginawa kong pag-gising ke Chad.

Na-disorient tuloy ang pobre.

Tuloy nataranta ako ng di oras.

Di ko makakalimutan ang araw na ito.

Isang tinarantang umaga po.

Related Posts with Thumbnails