Bagyo, Baha, Bad Trip at Blessings-in-disguise.

a

Handang-handa na sana ako para sa Butuan.

May convention dun ang mga deboto ng Santo Nino.

Kaso may email akong natanggap nung Martes.

Meeting daw ang mga Area Heads sa Manila.

Biyernes, September 25.  Patay.

Inayos ko agad ang dapat ayusin.

Binigyan ko ng instructions ang kasama ko.

Tuloy na tuloy talaga sila sa Butuan.

Dadaan muna ako sa Manila for my meeting.

Then tutuloy ako sa Butuan sa Sabado.

Makulimlim na ang Manila nung Huwebes.

Hinihika na ako kaya mas minabuti kong mag-rest sa hotel.

Nagising ako at madilim na sa labas.

Nasa 31st floor ako.

Buti na lang may free wifi connection.

Nabasa ko na may parating na bagyo sa Luzon.

Di ko masyado pinansin.

Mas madugo ang agenda ng meeting bukas.

Umuulan na nung papunta na kami sa venue nung Biyernes.

9:45 ng umaga nagsimula ang miting.

Alas siyete na natapos.

Malakas na ng ulan nung nag-dinner kami.

Nag-decide na ang isa kong kasama.

Di na daw sya tutuloy sa byahe nya sa Cebu kinabukasan.

Basta ako tutuloy talaga.

Dahil sa pagod, nakatulog ako agad.

Di ko na nga na-text si Oliver.

I woke up at around 6:00 ng Saturday morning.

Mas lumakas pa ang ulan.

Di naman ako nag-worry kasi alam kong paalis na ang bagyo.

May pangalan na nga ang bagyo eh — ONDOY daw.

Alas dose pa ng tanghali ang lipad ko.

Malamang wala nang bagyo by then.

9:30 am pa lang nasa NAIA Terminal 3 na ako.

Umuulan na.  Malakas na din ang hangin.

Pagkapasok ko sa loob ng airport terminal nalula ako.

Para akong nasa airport ng San Francisco, USA.

Sosyalan ever so much talaga!

Pumila na ako.  Binigyan ng boarding pass.

Tumuloy na ako sa pre-departure area agad.

Kitang-kita ang runway from where we were.

Maliwanag pa.  Kita pa ang eroplano sa labas.

Biglang nag-announce ng cancelled flights.

Ozamis… Tacloban… Tuguegarao… Legazpi…

Lahat cancelled due to zero visibility.

Yung pandededma ko sa weather, naiba.

Eh kasi naman talagang sobrang dilim na sa labas.

Wala ka nang makikita.

Kinabahan na ako.  Panay text ko sa sister ko.

Si Mara kasi ang nasa Butuan kasama ang ibang deboto.

Kako, matutuloy talaga ako…

Kumanta ako ng “Come Holy Spirit”

Aba, biglang lumiwanag.

Nabuhayan nanaman ako ng loob.

Nag-announce uli.

Ang Butuan flight daw na-move to 2:00 pm from 12:00 noon.

Palakpakan kaming lahat.

Sunod-sunod pa rin ang mga kinakansel na flights.

Davao… Cebu… Cotabato…

Alas dos treinta na.  Tahimik lang kaming lahat.

Dumilim uli ang panahon.

Abot-bewang na daw ang baha around Metro Manila.

Kinansel na nga ang Butuan flight.

Lumabas agad ako from the pre-departure area.

Gumana ang utak ko.  Kelangang maunahan ko sila.

Nag-decide na ako na di nako tutuloy ng Butuan.

I need to book a flight back to Gensan.

Sa Philippine Airlines Ticket Office ako dumiretso.

Biglang nag-brown out!

Offline.  Bad trip talaga!

Pinuntahan ko ang Cebu Pacific Ticket Office.

Kako magpapare-route ako to Gensan.

Sabi ng girl dapat mapa-check out ko muna ang ticket ko.

Pumunta daw ako sa check-in counter nila.

Hindi naman ako nagtanong kung aling check-in counter.

To give you an idea, parang football field sa lawak ang terminal.

Apat ng rows na magkakahiwalay ang counters ng Cebu Pacific.

Ang una kong pinuntahan ang sabi:

“Sir, international flights ho kami – try nyo po sa kabila…”

Di pa rin ako imbyerna.

Ayokong madala ng moment of distress.

Pumila na nga ako.  Pinansin naman ako.

“Ay, Butuan ka sir — SINONG TUMATANGGAP NG BUTUAN?”

Tinitigan ko sya ng matalim.

“Sige sir dito ka na lang — wait lang po…”

May foreigner nang nagwawala sa kabilang linya.

In fairness, hindi pinatulan ng taga-Cebu Pacific ang galit ng foreigner.

“I NEED TO FLY OUT TOMORROW!”

Ay inglisero ang foreigner.  Keber na lang ako.

Teka yung lalakeng pumansin saken biglang nawala.

Ayun may kausap sa ibang counter.

Nung lumapit sya, kako:

“Excuse me, yung problem ko?”

“Ay, sir, dyan nga ho kayo pumila..”

Susme, ang sarap dukutin ng mga mata ng hitad!

Ipapasa lang din pala ako sa kasama nya.

Relax, kako sa sarili ko.

Yung katabi kong negro, yawyaw na rin.

“CAN’T YOU GIVE ME A PRINTED FORM RATHER THAN THAT SCRIBBLED NOTE?”

Halata ko na din na iritado na ang egoy.

Pati nga ang nasa counter bad trip na din.

Finally na-check out na ako.

Balik uli ako sa ticket office nila.

“Sir, offline pa din po kami but you can try our call center…”

At least merong inoffer na possible solution.

Kaso nga nung tinawagan ko na puro recorded message narinig ko.

And while I was doing the call ang mga taga Cebu Pacific

Nagpapapicture na parang ang saya-saya nila!

How insensitive.

Last recourse was to call my travel agent sa Gensan.

Despite static ang linya na-book din ako finally.

Ramdam ko na ang init sa loob ng terminal.

Maglo-low bat na din ang cellphone ko.

Gutom na din ako.

Wala pa akong matutulugan.

So many things to do.

Inuna ko ang dinner.

Grabeng pila sa lahat ng resto.

Jollibee.  Dimsum.  Mini-stop.  Pizza.

Ang init na.  Madilim pa.

Nung kinain ko na ang inorder ko.

Nalasahan ko agad ang preservatives.

Hay buhay…mega sumpong nanaman ang hika ko nito.

Brown-out pa rin. Genset lang gumagana.

Di naman gaanong mainit pero maalinsangan.

If you know me, yan ang pinaka-ayaw ko.

Nakakita din ako ng pwesto ng matutulugan.

Timing din na naglalagay ng mga benches ang dyanitors.

Two birds in one stone kasi ang pwesto ko may power outlet.

Blessing-in-disguise talaga.

Sobrang tahimik pa ng area namin.

Kabaligtaran dun sa may kainan na parang palengke.

Ang tulog ko putol-putol.

Pag pinapawisan ako napapaubo talaga ako.

Gising na naman.  Ang sakit ng katawan ko.

Nagdasal na lang ako.

Alas kwatro ng umaga na ako uli nagising.

Hindi na daw brown out.

Takbo agad ako sa Cebu Pacific Ticket office.

Ang haba ng pila.  May dalawang sikyu sa door.

“TUMABI MUNA YUNG WALANG PRIORITY NUMBER.”

Gusto ko na talagang mangaway.

“O PWEDENG PUMASOK ANG 903 HANGGANG 916…”

Dinukot ko ang number ko.

Pinakita ko sa guard.

“O, ayan 740 yan!  Laban ka?”

Napahiya si sikyu.

“SIGE PO SIR PASOK NA PO!”

Natawa talaga ang ibang pasahero.

Madali ko namang napa-print ang e-ticket ko.

Lumabas agad ako.

Diretso ng restroom – umihi, nagmumog at naghilamos.

Binalikan ko ang gamit ko.

Umakyat uli ako sa may kainan.

8:15 am na pala.  Pumila na uli ako sa Check-in counter.

Maliwanag na ang sikat ng araw.

1:05 pm inannounce na ang boarding namin.

Pagkaupo ko sa seat ko – tulog agad ako.

Nagising na ako pagka-land ng eroplano sa Gensan.

Sakit ng mga talampakan ko.

Buti na lang andyan na agad si Peter.

The sight of my Everest made me smile.

The rest of the way, tahimik ako.

Nag-text si Kuya Avel.

Namatay daw si Mayor Singcoy.

Cardiac arrest.

She wasn’t looking healthy the last time I saw her.

When I reach home si Chad agad hinanap ko.

My Chad was very excited.

Kumain muna ako.

Keber na malamig ang kanin.

3:30 pm na pala.

Chorizo ang ulam ko.

Di din ako makatulog.

Gusto kong tapusin itong blog na ito.

Thank you Lord for bringing me home safe!

Thank you Lord okay na uli si Chad.

Maraming blessings-in-disguise kung tutuusin.

And one of them, bukas birthday ko na!

Ang ganda ng paunang regalo ni Lord…

HAPPY BIRTHDAY TO ME!

Related Posts with Thumbnails