Welcome To My World

Hay naku, maarte talaga ako.  Kaya nga kilala na ako ng mga kaibigan ko.  Siempre kaya ko ring makibagay kumporme sa circumstances.  Madali rin naman akong mapasaya.  Good company.  Good food.  Good ambience.  Ayos na.  Kaya’t kung kaya mo ang kaeng-engan ko then welcome to my world.

  1. Ayoko ng mainit. Inuubo ako pag mainit at pinagpapawisan na ako.  Hirap talaga pag may hika.  Konting pawis lang nati-trigger agad ito.  Kakati na ang lalamunan ko at saka dahan-dahan nang uubuhin.  Pag ako pa naman ang inuubo, eskandalosa!  Kaya ayoko nagbibilad sa ilalim ng araw.  Kinikeri ko lang minsan with matching umbrella.  Pag nasa indoor naman, di din naman kailangang may aircon (pero kung meron, why not, coconut!?) ang room basta may electric fan, oks na.  Kaya kapag bigla akong nawawala, nag-walk out na ako dahil hindi na talaga ako komportable.
  2. Ayoko ng masikip. Sino ba naman ang mahilig sa masikip?  Hindi naman ako claustrophobic pero di ko talaga kakayanin kung walang enough room to move around.  Keber nang magastos, basta ang pinagawa kong bahay talagang malaki.  I hate anything narrow – seats, passage ways,  alleys and the like.  Susme, sa taba kong ito, anlaking problema kung di ako kumasya.
  3. Ayoko ng mabaho. Huwag nyo namang isiping maarte ako.  Pero ayoko talaga ng mabaho.  Ayoko ng amoy ng anghit sa kilikili.  Kinakaya ko ang mga amoy pawis pero please lang huwag mo na lang akong beso-besohin at yakapin.  Chances are yayakapin rin kita kasi plastic ako huhuhuhuhu!  Kaya nga, I make it a point na palagi akong mabango.  Excuse me lang pero hindi lahat ng matataba, masangsang ang amoy.  Mabango ako, period.
  4. Ayoko ng walang tubig. Dahil mahina ang daloy ng tubig sa umaga talagang nagigising ako ng alas kuatro ng madaling-araw para punuin ang timba sa banyo ko.  Ako kasi pag naaalingsanganan kelangan kong maligo.  Pano na kung naeebak ako at walang tubig?  Susmaryosep!
  5. Ayoko ng maduming banyo. Eh bakit gusto nyo ba ng maduming banyo?  Pano kung nahulog ang tootbrush mo sa floor?  Gagamitin mo pa ba ulit?  Pano kung nanggigitata sa dumi ang floor?  OMG!  Kaya mo bang umupo sa inidorong madumi?  Unfortunately dito sa Pilipinas kapag public comfort room/restroom, asahan mong mega-baho at ultimate-dumi talaga ito.  I’ve seen inidoro na punumpuno ng you-know-what – nasuka talaga ako!  Di naman kailangang sosyal ang banyo – dapat malinis lang at mabango, yun lang!

 

 

Related Posts with Thumbnails