Sipag at Tiyaga? o Sipsip at Tanga?

Ang plastic ko naman kung di ko aamining gusto kong mapromote.

Kahit sino naman siguro umaasam na umangat ang buhay.

Ang promotion kasi may katapat na financial reward.

Di ba ang saya kung biglang may dagdag pang-shopping?

Pano bang mapansin ng mga bosing?

Pano bang ma-promote?

Siempre kailangang pagsikapan din ang trabaho.

Kailangang masigasig ka at hindi madaling umayaw.

Sipag at Tiyaga lang.

Di naman nadadala sa ganda yan no.

Para mapansin ka, gumawa ka nga lampas sa inaasahan.

Pag may inutos ang bosing sayo, wag ka nang umayaw!

Ipagbuntong-hininga mo na lang at bahala na si batman.

Sa bawat assignment na ipinagawa ng bosing, OA talaga ako.

Kahit na mahirap, gagawan ko ng paraan.

Minsan maganda ang resulta at ang sarap ipangalandakan.

Minsan din may mga resultang gusto mong matunaw sa hiya.

Kinikeri ko na lang.

Ang importante nakikita nilang nagsusumikap ka.

Pero nakakatulong din kapag SIPSIP ka at TANGA.

Kailangan ding pinatataba ang puso ng bosing.

Ang mga bosing numero unong naging sipsip din.

Di ka din pwedeng umastang mas mautak ka sa kanila.

Eh kung mautak ka kanila eh bakit hindi ikaw ang bosing?

Ganun lang yan.

Actually pakikipag-kapwa tao ang tawag dyan.

Kung masama naman ang ugali mo…

Kahit ikaw pa ang pinakamagaling magtrabaho,

Laging nasa ilalim ang pangalan mo sa mga pagpipilian ang mga bosing.

Pero ang pinaka-importante ang pagdarasal.

Divine Intervention ang kailangan more often than not.

Sabi ng iba maswerte daw ako.

Sagot ko lang dyan, mahal ako ni Lord.

Laban ka pa diyan?

Related Posts with Thumbnails