Lindol @ 4:05 ng umaga

Nag-iinternet ako

Bigla ko na lang naramdaman

Gumagalaw ang mesa at upuan

Akala ko nanginginig lang ako

Nagsimula akong kabahan

Dahil sa buong buhay ko

Ngayon ko lang narinig na

Parang umiiyak ang pintuan

Parang pinipilipit

Buong kwarto ko na

Ang umiinog

Lumakas ang alulong

Ng aso sa labas

Nanginig na ako

Lumilindol nga

Lumalakas pang lalo

Tinawag ko si Chad

Tulog na tulog

Hinintay ko na lang

Na magbagsakan lahat

Pero tumigil bigla

Tiningnan ko ang oras

4:05 ng umaga

Lumindol

Nanginginig pa rin ako

Sobrang kakapraning

lindol

Related Posts with Thumbnails