Gusto kong maging Lawyer!

judge

Tinawagan ako ng legal retainer namin.

Finally daw na-schedule ang hearing…

Civil case na sinampa ng dati kong employer

Sa dating kliyente

Teka 1997 pa yun ah.

Ganun kakupad ang sistema natin?

Pinagpaalam ko muna sa bosing

Kasi nga nasa ibang bank na ako.

Okay naman daw.

Hinatid sakin ang script

Pinag-aralan kong mabuti

Lalo na mga importanteng araw

Mahina na memorya ko

Pero nagulat ako sa dali

Ng pagrehistro ng mga minimemorya ko.

Lunes ng umaga

Pumasok muna ako

Alas nwebe pa naman

Ang schedule ng hearing

Tumunog ang cellphone ko

Andun na daw si attorney

Andun na din ang judge

Andun na din ang “kalaban”

MTC Branch III

May nakatoka nang kaso

May tao na sa witness stand

Magaling ang judge

Mataray pero laging may punto

Nakakatawa ang lawyer

May interpreter pa ang witness

Nagdesisyon agad ang judge

Tapos ang kaso

Tinawag na ako

Bible sa kaliwang kamay

Kanang kamay nakataas.

“Do you swear to tell the truth…”

Di ako kinabahan.

Alam na alam ko ang kasong ito.

Wala ang lawyer ng isang client

Mukhang nairita ang judge

Nagsimula ang tanungan

Panay ang objection ng kabila

Sustained.

Denied.

Teka obvious na kami ang nadehado ah.

Then narealize ko…

Nakapiring nga pala

Ang mata ng hustisya

Cross-examination

Ang galing ng lawyer ng kabila

Nairita ako

Iniirita nya ako

Hello ako ang bangkero dito no

Nahalata yata ng lawyer ko

Na naiinis na ako

Nakikipagdiskusyon na ako eh

Nang matapos, lawyer ko naman

Nagredirect.

Nagsalita ang judge

Simple lang.

Malaman ang mga sinabi nya.

Walang pinanigan.

May hearing pa.

September 28.

Nampucha, birthday ko pa.

Sabi ng kabilang lawyer

Di na daw ako tatawagin uli.

Whew!

Biglang gusto kong maging lawyer.

Tatamblingan ko ba?

Ay ambot!

Related Posts with Thumbnails