Attack of the Porky Pig

Punyetang buhay ‘to! Wala bang party na walang lechong baboy?! Asar ha! Ang mahal ng gamot para sa blood pressure and cholesterol tapos left and right pa ang party na hindi man lang umaabsent ang lecheng lechong baboy na yan! Hu-hu-hu! Kahit anong gawin kong iwas hindi ko magawang talikuran ang mapag-imbitang itsura ng malutong na balat ng lechon! At kahit kilala akong sosyalera, kesehodang kakamayin ko ang mainit na ribs bago pa ako maunahan ng kapwa ko adik sa lecheng lechon na ‘yan! Lord, tulungan nyo po akong iwasan ang tukso! Kinaya ko ngang iwasan ang mga hinayupak na papable na walang ginawa kundi rumampa sa harap ko – eh bakit itong hayop na lechon na ito ay sobrang mapang-akit! Ang lutong ng balat! Ang linamnam ng laman! Ang BP ko, umaarangkada na naman! Ang cholesterol count ko, over the top na naman! Basta keber na lang – masarap talaga! Mauubos din ang parties…pero pucha, malapit na ang birthday ko tapos pasko na uli!  Waaaaaahhhh!!!!!

Related Posts with Thumbnails