Agosto Uno

gandaever-logo-text

Excited akong nagising.

Agosto Uno.

Unang araw ko sa rangkong Vice President.

Praise the Lord.

Pero nagulat ako sa balitang namatay na si Tita Cory.

Nasa ABS CBN, GMA at CNN na nga.

Nakakalungkot.

Pero tuloy lang ang buhay.

Matapos kong gawin ang nakasanayang ritwal sa banyo,

Inupdate ko muna ang plurk, facebook at mafia wars.

Sangkaterba din ang mga email messages.

Saka ko tinext si Oliver.

Di naman sumagot ~ tulog pa yata.

Inimbita ako ni Kuya Avel na sumama sa Dole Kalsangi.

Darating daw ang mga Davao Bloggers.

Kakatamad pero okay lang ding sumama.

Pinuntahan ko na muna ang ka-appointment ko.

Di na ako naligo.

Sipilyo at pabango na lang.

Madali namang natapos ang miting ko.

Dumaan na muna ako sa Genee.

Si Ernan mismo ang nag-serve ng order ko.

Tuna Hotdog at Orange Juice.

Tumunog ang cell phone ko.  May message.

Wala sa mood si Oliver.

Nag-away kami.

Nagpalitan ng maaanghang na messages.

Buti na lang tumawag si Kuya Avel.

Magkita na lang daw kami sa bahay.

Mainit na ulo ko.

Napikon nanaman ako.

Si Oliver lang may power na pikunin ako.

Dumaan ako sa Sun Shop.

Pinaputol ko ang isang linya.

Medyo nahimas-himasan ako.

Sa Kalsangi lalamig ang ulo mo

Malamig ang simoy ng hangin.

Tahimik.

Maganda ang tanawin.

Kodakang umaatikabo.

Kanya-kanya kaming order ng steak.

Libre kasi eh.

Ang laki ng kada-serve.

Malinamnam din.

Naglaro kami ng Snakes and Ladders.

Nanalo kami ni Jinky.

Kulelat si Marz.

Akala ko uwian na.

Sinimulang gawin ni Lyle ang blog site ko.

Ang tyaga ni Lyle.

Ang dunong ni Blogie.

Ang ganda ni Brendel.

Supportive ever naman si Jinky.

Hinost ni Kuya Avel ang site ko.

Smile lang si Marz.

Pababa na kami ng Gensan.

Sa may Apopong may aksidente.

May isang mamang nasagasaan ng trak.

Andaming dugo.

Nanghina kaming lahat.

Tumuloy na lang kami sa Sydney Hotel.

Nag-freshen up muna ang mga taga-Davao.

Saka kami tumuloy sa Uno Cafe.

Big Chow ang nagluto ng ulam namin.

8 Treasures Soup.

Fried Rice.

Steamed Pangasius.

Baby Back Ribs.

Adobong Manok.

Mustasa leaves in Garlic.

Ewan ko lang kung sinong di nabusog.

Malapit na maayos ang blog site ko.

Ang galing talaga ni Lyle.

Sa Taaz Bar na actually natapos.

Andun sina Donna Mae and Emman.

Sarap talaga ng Kura-Stik nila!

Sobrang presko sa Taaz.

Wifi pa kaya mega-enjoy talaga.

11:30 na nang umuwi kami.

Excited ako.

Ang ganda kaya ng blog site ko.

Agosto Uno.

Andaming nangyari.

Bati na uli kami ni Oliver.

Papakonek ko nanaman ang Sun.

Ang OA ko kasi.

Whatever.

Related Posts with Thumbnails