Enough Said pt.1

fugly

Eh ano kung mataba ako? Carry ko naman eh.  Buti na nga lang matangkad ako.  Naku kung hindi ampangit kong tingnan.  Honestly, gusto ko din namang pumayat.  Andami kong gustong suotin na hindi pipwede sa katawan ko ngayon.  Andami kong gustong gawin – mostly physical stuff pero di na pwedeng bara-bara.  Alam ko na ang limitasyon ng katawan ko.  Di na kaya ako bata – isip-bata lang.  Hehehehe!  Sa arte kong ito doble-sikap talaga para maging presentable.  Ayoko ng masangsang na amoy kaya di ako dapat nangangamoy.  At least may credibility akong magsabing: “AMOY PAWIS KA!”  On the other hand, okay din namang mataba ako.  Mas lovable.  Mas embraceable.  Mas chub chasers’ delectable.  Hahahaha!  Asa ka pa.  Bottomline, kelangang mahalin ko ang sarili ko kahit mataba ako.  Tanggap ko na ito kaya magpapaganda na lang ako at keber na ang mga malisyosong inggitera at libakera.  Laban ka?

Related Posts with Thumbnails