Kung hindi ako tinanong ng kaibigan ko kung ilang taon kaming magkasama ni Ernan, hindi ko na siguro inisip pa ito. Apat na taon din kami ni Ernan. Ang buhay with him ay routinary. Sobrang routine alam mo na agad anong reaksyon nya sa ugali ko. Nasa States ako nang maisipan nyang subukan kung gagana pa ang titi nya sa girl. At least ang hiwalayan namin eh dahil nakabuntis sya. Oks lang ako na hindi. Masakit din ha. Lalo’t ikaw ang iniiwan. Eh pinili nya ang puke anong magagawa ko? At least magkaibigan pa rin kami. Gusto nya akong kuning Ninong ng anak nya – ano ako, bakle?  Sakalin ko na lang kaya ang asawa nya.  Ngayon, hiwalay na rin sila.

Before him was Nestor. Apat na taon din ang dumaan saka kami nagkahiwalay. With Nestor parang sine ang buhay. May drama, may comedy at kung anik-anik pa. Dumating kami sa puntong nagkasanayan na sa isa’t isa. Pag may sumpong siya, dedma ko sya. Pag ako may sumpong, dedma nya ako. Ganun kami ka-sweet. Pero yung hiwalayan namin, madugo. Samaan talaga ng loob. Away na umaatikabo. As in suntukan ever!  Nasa States uli ako nang maisipan nyang sumiping sa ibang…lalake. Ako naman itong naive (naiiba ang ugali?), turned a blind eye. Tinolerate ko pa ang hindot. Na-in love pa ako sa ipinalit nya sa akin na halatang ginamit lang talaga ako! Pucha! Tapos si Nestor ang pinili nya. Whew! Ang igsi talaga ng hair ko nung mga panahong yun.  Feeling ko kalbo ako noon at hindi ako maganda! Dahil nga mabait ako, friends na uli kami ni Nestor.  Nag-break din sila eventually and si Nestor nagko-call center na yata ngayon.

Pero teka about the four-year itch ito, di ba? Bago si Nestor si Joel. Apat na taon din! With Joel, masaya ang buhay. Almost perfect. Okay kaming pareho sa mga pamilya namin. As in tanggap kami ng both parties. Naghiwalay kami for a while dahil nahuli ko syang may nilalanding girlash. Iniyakan ko rin yun pero siempre mahal ko sya so tinanggap ko sya uli. Tanga ba ako? Maybe. Apat na taon din naming binuno ang love life namin. Ang paghihiwalay naman namin eh mutual. Naging active na kasi kaming pareho sa isang religious movement. Nakakahiya namang magkasama kaming nagsi-serve tapos sa gabi magkasiping kami. Mawiwindang talaga si Lord. Kami ni Joel have remained good friends. Ninong ako ng anak nya.  I respect him for choosing a wife na kasing-taba ko.  Hahahahaha!

Teka bakit nga ba apat na taon lang ang itinatagal ng love affairs ko??? Sa Chinese ang four o apat ay “si” na sounds like death daw. Haler, parang may koneksyon ano?   Eh bakit nagkaproblema kami ni Irving nung magtatatlong taon pa lang kami? Eh kasi naman may isang pursigido.  Ako naman itong si feeling maganda, lumandi.  Aaminin ko na ako ang pumasok sa gusot.  Irving didn’t deserve it.   Nung kinompronta nya ako, nagulat ako nung tinanggap nya pa rin ako.  Kalabisan na kung nagpatuloy pa kami.  Irving is too much of a gentleman for a biatch like me.

Nag-one year na kami ni Oliver nung July.  Happy Anniversary to us! May itatagal ba ‘tong relasyong ito? With Oliver, each day is a learning experience.  With Oliver, sa sobrang haba ng hair ko nasa Japan ang pinakadulo.  Siempre wala namang perfect relationship.  Sabi ko sa sarili ko, fatalist na ako. Kung anong darating tatanggapin ko but for the time being, i’ll enjoy the moment first. Isa pa, malayo pa ang 4th anniversary namin no! Smile na lang ever!

Related Posts with Thumbnails

Please rate this post!
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (6 votes, average: 4.67 out of 5)
Loading ... Loading ...

Did you enjoy reading this blog post? Aminin! Subscribe now!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner