My Favorite Pinoy Almusal

CHORIZO, ITLOG AT KANIN. Simula pagkabata, gusto ko na talaga ng chorizo.  Ang chorizo nung panahon ko ay di katulad ngayon.  Ngayon ang pinambabalot sa ground pork mixture ay plastic at pag pinirito mo na matutunaw ang plastic and chances are, pati yun eh makakain mo.  Dati, mismong nilinis, nilaga at pinatuyong intestine ng baboy ang pinagsisidlan ng ground pork mixture.  And take note, walang preservatives!  To cook it, pabukalin muna sa tubig ang chorizo hanggang matuyo ang tubig – by then, ang mismong mantika ng chorizo na ang magluluto nito.  Siguruhing low fire lang para maiwasang masunog.  My cousin, Ate Emer, made this chorizo at super katakam-takam talaga.

SARDINAS WITH KALAMANSI, FRIED EGG, KANIN AT KAPE. Sabi nila ang sardinas daw para lang sa mga hikahos.  Esmyuski lang pero para sa akin hindi kumpleto ang buhay kapag walang sardinas.  I take my sardinas either straight from the can or from the frying pan (ginisa sa bawang, sibuyas at kamatis).  Pag from the can, with just one kalamansi ayos na.  Dati pa akong may paboritong sardinas pero simula nang matikman ko ang FAMILY BRAND SARDINES at nakita ko ang processing nila, nagshift na ako.  Try it yourself.

OTIN – O-DONG WITH TIN-APA (SARDINAS). He-he-he… akalan nyo bastos, ano?  Actually ang nasa picture eh MISUA at hindi ODONG.  But basically, pareho lang ang pagluto.  Simpleng i-prepare and in one instance luto na agad.  Make sure that you serve this hot and with malamig na rice.  Bonggacious ever!

FRIED DRIED FISH (BULAD), SCRAMBLED EGGS WITH TOMATOES & ONIONS, HOTDOG. Hayyyzzz kaya ako tumataba lalo kung bulad ang almusal.  Ang secret sa masarap na bulad, bago iprito, hugasan muna sa gripo ng tubig.  Siempre tanggalin muna ang kung anik-anik na nakadikit sa bulad no.  Low fire lang.  Don’t overcook.  Tantyahin mo at kung crispy na enough na.  Mas challenging kung DANGGIT ang iluluto mo.   Basta low fire lang talaga para di ka mataranta.  Sarap din siempre ng scrambled eggs with tomatoes and onions.  Gusto ko medyo malasado and konting salt lang.  Sa hotdogs naman, the best pa rin ang PUREFOODS JUMBO HOTDOGS.

PORK TOCINO AND FRIED CHICKEN. Gawa uli ni Ate Emer ang pork tocino na ito.  Walang preservatives.  What you see is what you get.  Medyo matamis ang tocinong ito kaya’t di na kailangan ang sawsawan.  Simpleng fried chicken lang ito.  Pinahiran lang ng konting asin saka dinip-fry.  Masarap na sawsawan ang toyo at kalamansi.

Related Posts with Thumbnails